Monday, November 14, 2005

May Bago!!!!

Mga friends and classmate may bagong upload na picture sa gallery. I check nalang ninyo. Sensya na gabi ko na naisisingit ito, alam naman ninyo medyo busy me. Yung video nasa computer na. Kailangan ko lang i convert sa DVD kasama ng mga pics na naka upload.

Kaso again, wala pa me spare time to work this reunion CD's. Konting tiis nalang Ok

From:

Big Brother

Friday, November 11, 2005

Cge ok lang.. ok lang ako! whaaaaa!!!!

Grabeh, pano ko ba maisisingit sa aking trabaho ang pag-upload ng mga picture. Ako man gusto ko ng tapusin ito para naman sa kasiyahan ng aking mga classmate.

Nakakapagod talaga, pero ok lang dahil mahal ko ang ginagawa ko. Abah 10 years ata ako nagpakapagod sa ibang bagal at trabaho. Ngayon lang ito para lang sa reunion.

Kaya dun sa mga nag-aabang... dyarannnnn.... eto na yung album natin at unti-unti kong i upload lahat ng pics. Tignan nalang ninyo sa links sa kanan yung link niya.

At dun kila Luisa, at Shiela. Pls... send it to me para ma add ko rito. And pls... help me na i txt ito sa mga classmate natin para ma visit nila at baka gusto nilang mag print sa labas.

May security ito sa mga gustong malaman ang password. I txt lang ninyo sa akin ang email address ninyo at i send ko dun. Yun lang ang paraan para malaman kong kayo talaga yun. Alam naman ninyo Cellphone number ko diba! Just txt me your email add then I send ko dun ang password. Okie

Cge ito muna, mahirap pero ok lang. Para sa reunion lang ng IV-3 ha!!!!! Di kasali rito ang Alumni. Hehehehehe.... :p

Wednesday, November 09, 2005

Ang Saya!

Grabeh ang saya ng reunion namin. At sobrang dami ng dumalo... sa sobrang ngang ingay nainis na yung announcer namin, dahil di niya mapigilan ang mga kalokohan ng mga dati kong classmate.

Bumalik ang mga dating kalokohan at yung iba nagkapamilya, kabarkada, kapuso. May pumayat, tumaba. Pero wala yun sa mga pagtutulungan para maging masaya ang gabi ng reunion.

At alam mo ba sa sobrang kasarapan, kala ng iba hanggang nov 4 9am lang ang reunion di pala umabot pa kami ng 12pm. Kaya sorry nalang sa mga umuwi ng maaga sa inyo. Heheheeh.... naisahan namin kayo...

Dun naman sa picture... dami ata nun... at maraming nakuhaan ng makukulit na eksena kaya wait wait lang ha... tao lang me... di robot... hehehe joke joke lang... pero masaya talaga. Dun naman sa video grabhe masaya talaga although kapos pero ok narin... napuyat na naman ako kagabi dahil sa kapapanood nun... inabot ako ng 1am. Waaaaa...

Salamat sa lahat ng dumalo, sulit lahat ng pagod namin... kung wala kayo bale wala lahat...

Sana maulit ulit ito...